Wednesday, June 3, 2009

Cha-Cha-ka-Chaka-Pon!

Ilang araw lang ang nakalipas at talagang hapit na hapit ang mga nasa kongreso! Ewan ko ba't ang mga taong ito ay masyadong nagmamadali't kailangan magpagabi para lang sa session na to. Ang kongreso ba naman eh pinasa agad ang resolusyon para magkaroon ng constitutional assembly para baguhin ang saligang batas!

Ang sabi nila dapat daw may baguhin sa saligang batas kaya minamadali nila. Si impresyon ko lang bilang isang simpleng mamamayan, bakit nyo babaguhin yan eh malapit na eleksyon diba pede naman maghintay pagkatapos ng eleksyon? Ewan ko ba dito sa kongreso namin ang daming nakakagulat na mga desisyon at nabubuset lang ako!

Friday, May 22, 2009

Buset! Instant porn Star!

Kahapon pumunta ako sa university belt para lang bumisita sa mga dati kong classmate sa FEU. Pagkatapos napagdesisyonan ko na magrenta ng computer sa isang computer shop. Dun sa kabilang PC na malapit sa nirerentahan ko may mga binatilyong nakatumpok para bang tinatago ang monitor sa mga katabi nito. Syempre ako naging usisero at narinig ko na pinaguusapan nila ang kontrobersyal na video na kumakalat sa internet at napapabalita sa telebisyon ngayon. Sigurado kong alam nyo na kung sino ang tinutukoy ko.

Yup the Katrina Halili/Hayden Kho scandal! Okay gantio kasi yun kahit na i-block ng youtube ang kahit anung video na may kaugnayan sa scandal na ito ang nangyayari tuloy sa porn site lahat ang tuloy! Sa totoo mas masaklap ang nararating ng video at walang makapipigil nito!

Sa akin lang naaawa na ako kay Katrina Halili kasi laganap na yung ganitong video. At ang naiinis ako yung mga tao parang mga hayuk sa ganitong video na di nila alam masakit sa isang tao ang malantad ng ganito. At sana maramdaman nila yun!

Bahala kayong humusga sa isyung ito pero para sa akin sobra-sobra nang pambabastos eto. Kung kanino man nagmula ang video sana karmahin ka buset!

Wednesday, May 13, 2009

Tungkol sa blog na ito!

Ang blog na ito ay naglalaman ng kapansin-pansin sa paligid. Wag nyong asahan na ako ay mag-pokus sa isang bagay o isyu. Pero mas ninais ko na isulat ang mga biglang agaw na pansin na bagay o isyu sa paligid. Bagamat wala naman akong ibang iniisip sa ngayon na medyo kakaiba ngunit bagkos mas nanaiisin ko na magsulat sa blog na ito na walang halong impluwensya dahil uso ang isang bagay o isyu. Pero kung sakali abangan nyo na lang ang masusulat ko dito.


Sa ngayon peace muna tayo!