Wednesday, June 3, 2009

Cha-Cha-ka-Chaka-Pon!

Ilang araw lang ang nakalipas at talagang hapit na hapit ang mga nasa kongreso! Ewan ko ba't ang mga taong ito ay masyadong nagmamadali't kailangan magpagabi para lang sa session na to. Ang kongreso ba naman eh pinasa agad ang resolusyon para magkaroon ng constitutional assembly para baguhin ang saligang batas!

Ang sabi nila dapat daw may baguhin sa saligang batas kaya minamadali nila. Si impresyon ko lang bilang isang simpleng mamamayan, bakit nyo babaguhin yan eh malapit na eleksyon diba pede naman maghintay pagkatapos ng eleksyon? Ewan ko ba dito sa kongreso namin ang daming nakakagulat na mga desisyon at nabubuset lang ako!

No comments:

Post a Comment